
Tula:
Corruption
Isinulat ni: Clouie Mae N. Dejano
Sa paglipas ng panahon, Sa paghihirap ng kanilang
dinanasa
Ang mga mahihirap ay di umaahon. Sa pag-aani ng pera at bigas
Tumataas ang buwis Ang gobyerno ay
walang inaangat
At dumadaloy naman ang pawis Sa pagnanakaw ng pera ng kanyang pangkat
Utang na loob, pahalagahan
Ang paghihirap ng mga mamamayan
Tulung-tulong ipasalin
Ang mga buwis at pera natin
Ginagawa ang buwis upang tulungan
Ang mga mahihirap sa ating bayan
At paggawa ng matitibay na daan
Tulung-tulong tayo sa tahanan
May isang salita ang binibigkas
Kapag nawala ang pera ng bayan
Corruption sa pamamahalaan
Sana tapusin na lahat
Pabula:
Ang Bayani na si Kuneho
Isinulat ni: Princess lady Anne Dela
Cruz
Sa isang malawak na
kagubatan may isang hayop na ang pangalan ay Haring Leo na nagugulikta ng
pagkain at buwis. Maraming hayop ang nagbibigay sa kanya. Upang ihanda sa
paparating na tag-lamig. Ngunit hindi alam ng mga hayop na kinakain lang ito ng
hari tuwing gabi sa kanya lihim na kweba. Nang dumating ang tag-lamig walang
makakain ang mga hayop dahil tinago ng hari ang mga pagkain sa kanyang kweba.
May isang hayop na matapat at may marami ng ambag sa hari, ang pangalan niya ay
si kuneho. Agad niyang sinabi sa ibang hayop at nagalit ang mga ito. Sinugod
nila ang kanyang kweba at nakita nila ang maraming pagkain na nakatago sa
kanyang kweba. Sa tinding galit ng mga hayop pinaalis nila ang hari. At si
kuneho ang kanilang bayani, ay kanilang ginawang hari.
Mitolohiya:
Paligsahan ni
Zeus
Isinulat ni: Clouie Mae N. Dejano
Noong
unang panahon, ang buhay ng tao ay nakasalalay sa mga kamay ng mga Diyos at
Diyosa.Alam lahat ng mga Diyos at Diyosa kung ano-ano ang mga ginagawa ng
tao,mangyayari sa mga tao at iba pang kaalaman ukol sa tao at mundo.Sa kabila
naman ,walng kinalaman ang tao kung ano-ano na ang nangyari sa itaas na
kaharian. Isang masigabong
araw,nagkaroon ng isang kasiyahan ang mga Diyos. Lahat ay masaya maliban kay
Zeus,hari ng mga Diyos.Mukhang iniinip si Zeus kaya nagkaruon nalang siya ng
isang paligsahan: “Kung sino ang magpapatunay na malakas sa lahat ng mga Diyos
maliban sa akin ay may malaking Gantimpala ang nag-aabang,isang mahiwagang
halaman. ‘ako ang mas malakas sa inyo’ ‘ako’. ‘ako.’ Sabi ng mga Diyos. Sige
nga ipatunay niyo sa akin kung sino ang malakas.Nag pakidlat at nagpakulog si
Thor.Mayroon ding isang diyos na gumawa ng pinakamalaking Bulkan at pinasabog
ng malakas. Ang isang Diyos naman ay inangat ang isang parte ng lupa upang
mapatunay ang kanyang kakayahan na lakas, idinulot nito an gang tinding linog
sa kalupaan. Itinawag naman ng isang diyosa ang malakas na alon.May isang
munting diyosa na ipinakita ang kanyang lakas sa pamamagitan ng pag alaga sa
kalikasan at pagpatubo ng iba’t-ibang magaganda at malalaking puno’t halaman.Sa
pagkakita ni Zeus ang munting Diyosa ang malakas sa lahat dahil nasa kanya ang
tinding kapangyarihan ng pagmamahal sa kalikasan.
Maikling Kwento
Tagapag-alaga ka
Ba ng Kalikasan?
Isinulat ni
Pricess Lady Anne Dela Cruz
Ang kalikasan ay
sadyang ipinagkaloob sa atin ng panginoon upang makatulong sa ating pamumuhay
sa mundo. Nariyan ang mga puno at halaman na nagbibigay ng pagkain, ang mga
ilog at dagat na bukal ng mga isda at yamang-tubig na pinakikinabangan natin,
ang mga kabundukan na may mga mina at puno, bukod pa sa mga ibon at hayop na
nagbibigay rin ng pagkain sa atin.
Sa gitna ng mga
biyayang tinatamasa natin mula sa kalikasan, unti-unti naman nating nalilimutan
na may tungkulin din tayo sa kalikasan. Winalang-bahala natin ang pinagkukunang
ito ng ating ikinabubuhay. Nalimutan nating magtanim ng mga bagong puno at
halaman kapalit ng mga kinuha natin. Sinunog din natin ang mga kabundukan para
taniman ng palay, na ang nagging kapalit ay baha at pagguho ng lupa. Gumamit
tayo ng mga paraang nakapipinsala, tulad ng dinamita at pinong lambat, sa
panghuhuli ng mga isda. Naging dahilan ito ng pagkamatay ng maliliit na isda.
Hinuli natin ang mga ibon at hayop sa kagubatan na dapat sana ay tinutulungan
nating dumami ang lahi.
Naging
tagapagwasak tayo ng kalikasan sa halip na tagapangalaga. Ngayon ay nararanasan
na natin ang ganti ng kalikasan. Umiinit na ang panahon dahil sa kawalan ng
lilim ng mga puno. Nagtutuyo na rin ang mga sapa at mga pagkain tulad ng mga
prutas at gulay. Mahina na rin ang aning nakakuha sa ating mga palayan dahil sa
matagal na tag-init at kasalanan sa patubig. Dahil dito, umaangkat na tayo ng
bigas.
Nararapat na
tayong kumilos ngayon habang may natitira pang yaman an gating kalikasan isipin
natin ang darating pang henerasyon na maaaring wala nang makitang mga puno at
ibon sa paligid.
Harapin natin an
gating mga tungkulin bilang tagapag-alaga ng kalikasan.
Dula-dulaan
Ang Batang
Nagsusunog ng Kilay
Isinulat ni
Zaiberth Galvez
Tagapagsalaysay: Ang sabi nila ang aral ay importante para mabuhay, pero
totoo nga ba ito? Ito ay si Jose isang High School Student na ang hanap-buhay
ng kanyang pamilya ay magsasaka.
Jose: Nay, tay, pupunta na ako sa skwela.
Inay: Sige anak ingat.
(Si Jose ay
umalis na sa eksena)
Itay: Meron tayong malaking problema.
Inay: Ano po yun tay?
Itay: Wala na tayong pera para sa pagbili ng project sa ating
anak. Ano na ang gagawin natin?
Inay: Bakit? Hindi ba sapat ag perang binigay sa gobyerno?
Itay: Hindi eh! Kahit ang sipag nating mag tanim ng gulay at
palay para sa mga tao, kulang parin sa
aking pagod at pawis.
Inay: Okay lang yan tay, mag-iisip ako ng paraan.
Itay: Hihiram ka na naman ng pera?
Inay: Hindi, magtatrabaho ako sa probinsya.
Itay: Ano?! Paano nang anak natin?
Inay: Pwede naman nating ibenta ang ating lupa.
Itay: Hindi ako papayag. Alam ko na! pupunta tayo sa city hall
at mag reklamo tayo…
Jose: Hindi!
Tagapagsalaysay: Hindi pala pumunta si Jose sa skwelahan dahi alam pala niya
na wala na silang pera.
Jose: Hindi muna ako mag-aaral. Babawiin nakin ang aking tuition
upang meron tayong pambayad sa mga bayaran natin.
Inay: Pero anak, wag mo sayangin ang oras mo sa ganitong
problema.
Jose: Problemang pamilya po ito, okay lang yan nay mag-aaral
naman ako e kung meron tayong malaking pera. Magtatrabaho ako sa Maynila.
Itay: Hindi ako papayag
sayangin ang oras ng pagkabata mo.
Jose: Pero tay ito ang lang ang tangin paraan.
Itay: Alam naming ng nanay mo na mahirap lang tayo pero kaya rin
namin bigyan ang kailangan mo sa buhay.
Jose: Itay, inay, salamat sa pag-aalala niyo sa akin. Wala tayong
magawa eh nasa ilalim tayo ng gobyerno kaya magtatrabaho muna ako.
Itay: Sige pero wag kang babalik kung wala ka pa nakapag tapos ng
kolehiyo.
Tagapagsalaysay: Grabi ang galit sa kanyang itay. At si Jose ay umalis ng
walang hesitasyon. Ang ina naman ni Jose ay umiiyak.
: 25 na taon ang
nakalipas meron nang balita kay Jose. Ang kanyang mga magulang ay masayang-
masaya para sa kanya dahil yun pala nanalo si Jose sa election at nagging
president. Pero si Jose ay umiiyak dahil na hospital ang kanyang magulang.
Jose: Nay, tay, pwede na ba ako bumalik sa tahanan natin?
Valedictorian po ako sa HS pati na rin sa Kolehiyo.
Tagapagsalaysay: Grabi ang iyak ng kanyang mga magulang.
Itay: Nak! Patawarin mo kami sa amingmaling ginawa.
Inay: Sa totoo lang anak nag-aalala kami sayo kaya hinahap-hanap
ka naming pero hindi talaga ka naming natagpuan.
Itay: Nag sisisi ako sa aking sinabi noon.
Inay: Baguhin mo an gating bansa nak.
Jose: Oo naman nay. At
tay kalimutan na natin ang nakaraan (sinabi niya ito ng malaking ngiti)
Tagapagsalaysay:
Namatay na ang magulang ni
Jose, siyempre grabi ang kaniyang iyak pero pinapatuloy parin niya ang kanyang
responsibilidad at unti-unting nabago ang bansa. Pareho parin ang buwis pero
ang bansa ay naging malinis at gumanda, at lahat ng mga tao ay namumuhay ng
masaya dahil kay Jose.

